Pangunahing Pahina
Kwentong Slowly  
M.Crazy
M.Crazy | 🇧🇪 Belgium

Originally written in English. Translated by Claret Quarts.

Ito ay kakatwang panahon para sa ating lahat. Pakiramdam natin ay hindi na tayo ang mga sarili natin. Ito ay kakaiba. Parang mawawala ang isang bahagi ng iyong sarili kung hindi ka mag-iingat. Kung alagaan mo ang iyong sarili, makakahanap ka ng isang bahagi n iyong pagkatao na maaaring hindi mo naisip kahit minsan sa iyong buong buhay.

Iyon ang ginawa ng Slowly sa akin. Ipinaalam nito sa akin na mas mahal ko pala ang mga tao kaysa sa iniisip ko. At ginawa akong matuklasan ang mga bagong interes. Ang application na ito ay talagang nagdudulot ng kulay sa aking buhay. Sakto sa kailangan ko.

Mayroon ding iba pang nagawa ito sa akin. Mahalagang bagay. Sa mga panahong ito, bago pa ang Corona VIrus, ang mga tao ay bumababa na ang pasyenya – nakakalimutan na ito ang kailangan natin paminsan-minsan. Maraming tao ang naii-stress dahil wala sila nito. Ang Slowly ang perpektong solusyon para dito.

Dati, naghihintay ka nang walang pasensya sa loob ng maraming oras upang makakuha ng isang text message na iisang pangungusap lamang. Ngayon,mas nagiging mahinahon na ka dahil alam mong matagal naman talaga bago makuha ang susunod na liham at alam mong hindi ito magiging isang pangungusap lamang. Gustung-gusto ko ang Slowly dahil nagbibigay ito ng pagkakataon na magkaroon ng mahabang pag-uusap ang mga tao tungkol sa maraming mga paksa sa iilang liham lamang.

Para kang nakakakuha ng isang tunay na liham, kahit na nasa telepono ito. Ito ang awtentisidad na namiss at nahanap ko rito.

Nakilala ko rito ang ilang taong na talagang gusto ko. Sa loob ng mahigit isang buwan ay talagang napalapit na ako sa kanila. Namimiss ko rin sila minsan, kahit na hindi ko pa sila nakikilala sa totoong buhay. Ngunit ipinagmamalaki ko na masasabi kong kaibigan ko sila!

 I-submit ang iyong kuwento

SLOWLY

Simulang makipag-ugnayan sa mundo ngayon!

4.7   5M+